Huwebes, Hulyo 31, 2014

Bakit nga ba tayo nasasaktan?
       Dahil ba hindi tayo maganda/pogi? dahil ba sa ugali naten? katangian naten? pananamit o amoy naten? Kung ako ang tatanungin, hindi ko din alam, biktima lang din ako.


Naisip ko lang, bakit pa kaylangan pa nating masaktan? alam mo yung ginawa mo naman lahat, ipinakita at ipinaramdam mo sa kanya na totoo at wagas yung pagmamahal na inilalaan mo para sa kanya, halos lahat ng efforts nagawa mo na, lahat ng sakripisyo, yung mga bagay na di mo inaakalang magagawa mo noong di mo pa sya nakikilala, baduy man o corny, maliit man o malaki ng dahil sa kanya nagawa mo yung mga yon pero sa kabila non nasaktan ka pa rin.
Pero ganun naman talaga e, once na magmahal tayo, sa ayaw o sa gusto man natin, masasaktan at masasaktan pa rin tayo baket? dahil totoo ang pagmamahal na ipinararamdam at ipinapakita mo para sa kanya.
Minsan din kaya tayo nasasaktan ay upang maging mas matatag tayo,  maging mas matibay upang ng sa mga susunod mas makayanan naten. Pero sana sa kabila ng sakit na naranasan mo, wag mong gagayahin ang ampalaya. Hindi naman porket nasaktan ka sa una e ganun din sa pangalawa o sa mga susunod.

Tandaan mo pag hindi mo na kaya yumuko ka lang at magdasal, nakakasigurado ako naghihintay ang isang magandang umaga para sayo:)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento